Kwentong K ni Joy Villamor

 Jul-02-2021

           Taong 2014 nang maging miyembro ng K-Coop si Nanay Joy Villamor at sa pagiging disiplinado at responable napili siya maging kasalukuyang Center Chief ng kanyang sentrong kinabibilangan. Katuwang ang kanyang butihing asawa sa pagpapatakbo ng kanilang Sari-sari store.Tuloy-tuloy lamang ang kanilang pagtyatyaga sa munting negosyo na mula sa maliit na halaga ng loan para sa dagdag puhunan ay umabot na ngayon sa Php 22,000 ang kanyang K-Kabuhayan.

            Sa pagdating ng pandemya marami ang dumanas ng pagsubok, nawalan ng trabaho at humina ang mga pinagkakakitaan. Isa si Nanay Joy sa mga na apektuhan ng pandemya, humina ang dating malakas na kita ng alak dahilan sa pagpapatupad ng liqour ban at curfew na sa maagang oras ay kailangan na isara ang kanilang tindahan. Maliban sa sari-sari store ay mayroon siyang pa-rentahan ng Videoke. Ngunit dahil rin sa hindi pa maaaring pumasok ang mga estudyante dito pinatupad na ang Online Class, kaya naman naging mahigpit na rin at pinagbawal na ang mag-ingay. Malaki ang hulugan kada linggo ni Nanay Joy na umaabot sa Php 1,700 kada linggo kaya naman nahirapan siya dito.

            Sa tagal ni Nanay Joy sa K-Coop pinananatili niya ang kanyang magandang record, kaya naman siya ay lubhang nangamba nang dumating sa pagkakataon na hindi siya makapag bayad. At laking pasasamat niya sa kooperatiba dahil patuloy ito na nagsisikap na umisip ng mga bagong produkto at serbisyo na makakatulong sa mga miyembro nito sa kasalukuyang sitwasyon. Dahil tinuturing si Nanay Joy na “Members in Good Standing” o MIGS, siya ay nirekomenda na makapag-avail ng K-Sagip Loan. Mula sa Php1,700 na kanyang hulugan ay napapababa ito sa Php 917 kada linggo. At sa paglipas ng mga buwan ay unti-unti na ngang nakabangon ang kanyang negosyo.

            Dito napatunayan na ang lahat ng problema ay palaging may kaakibat na solusyon.

 

                                                                                                                                                                       Melanie Tabao

                                                                                                                                                                       Meycauayan Satellite Office