TREE PLANTING PROJECT (ANTIPOLO)

 Jun-09-2023

    Isang mabungang araw para sa mga miyembro ng Masinag Satellite Office at empleyado ng EAST 2 sector (Masinag, Padilla, Antipolo Proper, Teresa) sa kanilang pagsasagawa ng "Tree Planting Project 2023" na ginanap sa Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City, Rizal ngayong ika-07 ng Hunyo, 2023.

    Ayon sa pag-aaral, ang nasabing baranggay ay nasa magandang lokasyon (mataas, di binabaha) at isa sa mga komunidad na may malaking populasyon sa lugar. Dahil sa mga panganib na dulot ng climate change, lubos na makakatulong ang pagtatanim ng mga puno sa lugar.

    Inumpisahan ang programa sa pambungad na pananalita ni Kap. Larry T. Onza. Kasama din sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto ang ating Chairperson Martiniana Casil Gultiano Mancio, BOD Charisma Baun, at Assistant General Manager-Operations Angeline Bataller at mga Nanay-liders ng K-COOP. Nagkaroon din ng MOA signing sa pagitan ng Baranggay at ng K-COOP.

    Sa Tree Planting, achieve na achieve ang #GOGreen! 💚💚💚

    Congratulations East 2!!!

#kcoop2023

#kasaganakacooperative

#GoGreen