2023 SHARE AND PROTECT PROJECT-AWARDING OF WATER TANK SYSTEM

 May-10-2023

    Ginanap kahapon, ika-10 ng Mayo, 2023 ang pagkakaloob ng Water Tank System para sa mga residente ng Brgy. Sta. Cristina 2, Dasmariñas City Cavite. Ito ay dinaluhan ng mga opisyales ng Brgy., mga miyembro ng Apitong Center, ilang residente ng Brgy, ating General Manager Dexter Flores, at Vice-Chairperson Vivian Espina. Kasama din ang pamunuan ng South Sector na pinangungunahan ni Sector Manager Bennie Lafuerza, Cluster Managers MJ Tajan at Kaneth Morota, Satellite Office Managers na sina Remdel Mena, Harlene Baldemora at Analyn Pe, pati ang mga kinatawan mula sa Pureit Philippines sa pangunguna ni Verlyn Sotto Sales Operations Manager.

    Pangalawa ang Brgy. Sta. Cristina 2 sa naging bahagi ng ating proyekto na Share and Protect Project sa pakikipagtulungan sa COLLINS INTERNATIONAL TRADING CORPORATION / Pureit Ph. Napili ang nasabing Brgy. sa kadahilanang hirap sa suplay ng tubig ang kanilang lugar lalo na ngayong panahon ng tag-init.

    Masaya at taos puso ang pasasalamat ng mga residente kaya naman nagbigay sila ng sertipiko ng pasasalamat sa ating K-COOP at sa Pureit Philippines. Kaya naman #GAAN ang dulot ng Share & Protect Water Tank Project natin sa mga residente ng Brgy. Sta Cristina 2.

    Nawa’y marami pa ang mapagkalooban at maging bahagi ng proyektong ito. Sa barangay niyo na kaya ang next? Kaabang-abang!

    Yan ang Tatak Kasagana-ka!

    Mabuhay ang Kooperatibismo!

#kcoop2023

#kasaganakacooperative

#5G

#Gaan