Ika-13 anibersaryo ng KASAGANA-KA Mutual Benefit Association (KMBA)
May-31-2019“Pagyamanin ang sariling atin!”
Yan ang tema ng pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng KASAGANA-KA Mutual Benefit Association (KMBA) noong 31 Mayo 2019. Binuksan ang selebrasyon sa isang misa para basbasan ang bagong tahanan ng KASAGANA-KA Synergizing Organizations (KSO) sa Barangay Pinyahan, Quezon City. Pangunahin sa mga nagsipagdalo ang mga miyembro ng KMBA, ang bumubuo ng KMBA Board of Trustees at Board of Advisers, at ang mga Area Coordinators. Nakibahagi rin sa okasyon ang pamunuan ng ating KASAGANA-KA Credit at Savings Cooperative (K-Coop) at KASAGANA-KA Development Center, Inc. (KDCI).
Kasunod ng misa, idinaos ang taunang pangkalahatang pulong ng mga miyembro ng KMBA. Dito ipinakilala ang mga bagong mamumuno ng KMBA bilang Board of Trustees. Nanumpa sila sa kanilang tungkulin sa parehong araw.
Sa pagpapatuloy ng selebrasyon, isang espesyal na video presentation ang inihanda ng KMBA bilang balik-tanaw sa tagumpay ng nakaraang taon at pagtawid sa hinaharap na puno ng pag-asa. May mga pampasiglang bilang rin ang ilan sa mga miyembro ng KMBA at ang mga empleyado ng KSO. Isang matingkad na bahagi ng programa ang gawad-pagkilala kay Gng. Maria Anna de Rosas-Ignacio (kasalukuyang K-Coop General Manager at miyembro ng KMBA Board of Advisers) bilang pasasalamat sa maraming taon ng tapat na paglilingkod. Inihandog naman kina Gng. Wenifreda F. Rodriguez at Gng. Leticia T. Rodriquez ang titulong Board Member Emeritus. Sila ang mga bumuo ng unang Board of Trustees ng KMBA at patuloy na gumagabay sa samahan bilang aktibong miyembro at bahagi ng Board of Advisers nito.
Nakisaya rin sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa partner-organizations ng KMBA: Microinsurance Association ng Pilipinas (MiMAP), Jaime V. Ongpin Foundation, Inc. (JVOFI), Kooperatiba alyansa para sa mga tumutugon gawain Mutual Benefit Association, Inc. (CARE-MBA), BDO Roxas, Cruz, Tagle & Company, Partnership of Philippine Support Service Agencies Inc. (PHILSSA), at Tomeworks Corporation. Ilan lamang sila sa mga naging katuwang rin ng KMBA sa pag-abot sa maraming tagumpay sa mga nakalipas na taon.
Pagbati para sa matagumpay na selebrasyon ng ika-13 na Anibersayo ng KMBA. Patuloy nating “pagyamanin ang sariling atin.”