2022 SHARE AND PROTECT PROJECT-AWARDING OF ELECTRIC WATERPUMP

 Nov-11-2022

    Matagumpay na isinagawa ang pagkakaloob ng Electric Waterpump sa Brgy. San Rafael, Montalban sa pagtutulungan ng K-COOP at COLLINS INTERNATIONAL TRADING CORPORATION/Pureit Philippines sa ilalim ng Share & Protect Project.

    Ginanap ang awarding ceremony noong ika-11 ng Nobyembre sa San Rafael Brgy. Hall (Annex Bldg. Kasama sa mga dumalo ang ating General Manager Dexter Flores, Board Member Nilda Cabillan, Ms. Ginna Pancho Pureit Sales Manager at Brgy. Captain Eron Paul Alvarez

    Napili ang nasabing Brgy. dahil sa dami ng populasyon sa lugar at isa sa problemang dinaranas nila ay ang kakulangan ng supply ng tubig.

    Masaya at buong pusong nagpapasalamat ang mga residente para sa karagdagang pagmumulan ng tubig.

    Nagpapasalamat naman ang pamunuan sa mga miyembro mula sa Montalban pati sa mga Managers at Officers na nag-asikaso para maisakatuparan ito.

    Hiling namin na marami pa ang mapagkalooban at maging bahagi ng Share and Protect Project.

    Yan ang Tatak Kasagana-ka!

    Mabuhay ang Kooperatibismo!

#kasaganakacooperative

#KCOOP2022

#Sulong!

#SerbisyongmaySinopatSigla

#ShareandProtectProject

#PureitPhilippines