CHRISTMAS AND YEAR-END PARTY LAGRO

 Dec-09-2022

    Matagumpay na ginanap noong ika-09 ng Disyembre sa Tala, Caloocan ang masayang selebrasyon ng Lagro Satellite Office Year-End Party. Ngayon lang muli nakapagdaos ng ganitong pagsasama-sama ng mga miyembro makalipas ang dalawang taon dahil sa pandemya kaya masaya at aktibo ang mga nagsipagdalo.

    Nagkaroon ng pagkilala sa mga Natatanging Sentro at dance contest kung saan aktibong nakilahok ang mga sentrong sumali. Ang lahat ng dumalo ay masayang nakatanggap ng grocery package at pagkakataon na manalo sa raffle. Binigyan din ng pagkilala si Nanay Merlyn Jolo sa kanyang pagwagi sa 1st Digital Financial Inclusion Awards.

    Nakisaya din sa pagdiriwang si BoD Mirasol Navarro na nagbigay ng mensahe at pagbati. Kasama rin ang Coordinators na sina Lourdes Nuarin ng Camarin SATO at sina Rachel Volcan at Josefina Borabo ng Bagong Silang SATO. Nakisaya rin ang ating General Manager Dexter Flores, Assistant General Manager-Operations Angeline Bataller, KDCI CEO Maricris Valte at mga Managers mula sa K-COOP at KDCI.

    Dumalo din ang ating mga partners na Executive Optical at Pure-it Collins na nagtayo ng kanilang booth para sa mga nais magpa check-up ng mata at bumili ng salamin o/at Pure-it units.

    Mula sa buong pamilya ng K-Coop, Congratulations sa buong team ng Lagro Satellite Office at mga kasama sa Central Sector para sa matagumpay na Year-End Party.

    Taos-pusong pasasalamat din sa mga Nanay na dumalo at nakisaya!

    Aktibo at masaya, yan ang Tatak Kasagana-ka!

#kasaganakacooperative

#KCOOP2022

#Sulong!

#SerbisyongmaySinopatSigla