2023 REPRESENTATIVE ASSEMBLY

 Mar-25-2023

     Isang matagumpay at makabuluhan na pagsasagawa ng 2023 K-COOP Representative Assembly ang ginanap noong ika-25 ng Marso sa Skydome, SM City North EDSA, Quezon City. Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng pamunuan ng K-COOP muling naidaos ang asembleya ng buong #GANA at higit sa lahat makalipas ang tatlong taon ay back to Face-to-Face na ito.

     Dumalo ang mahigit dalawang daang hinalal na Satellite Representatives na GANAdong nakisaya at nakiisa sa pagtitipon. Nagkaroon din ng mga booth at una na dito ang ating Business Development Services o "Produktong may K". Dito shinowcase ang mga produktong #Gawang-Atin ng mga Nanay-kasapi. May booth din ang ating partners na Philcare, RMSI at Collins.

     Pinangunahan ni Gng. Martiniana G. Mancio, Chairperson ng K-COOP ang pormal na pagbubukas ng programa. Sinundan ito ni Gng. Merlyn Jolo na nagbahagi ng kwentong inspirasyon sa kasapian sa kanyang naging lakbayin bilang miyembro na nagbunga din ng kanyang pagkapanalo bilang MCPI Digital Financial Inclusion Awardee. May mga bisita din na nagbigay ng kanilang mga pagbati, sina G. Amelito Revuelta-Chairperson PFCCO-NCR QC Chapter, Atty. Eleonor T. Hernandez- Chairperson PFCCO-NCR, G. Felipe Ramiro Jr.-Regional Director TRIAS SEA, G. Allan Robert Sicat-Executive Director MCPI at Gng. MeAn Ignacio-KCOOP Former General Manager.

     Pinaliwanag naman ni Sector Manager Joseph Lopez ang magiging daloy ng eleksyon ng mga opisyal. Muling nasubok ang #Gawang-Atin na K-Coop E-Voting System. Sa hapon ay ginanap naman ang Representative Assembly Meeting kung saan iniulat ng pamunuan ang mga naisakatuparan at pinansya sa taong 2022 at hiningan ng aprubal ang mga plano, thrust at budget sa taong 2023. Pinaliwanag din ng ating General Manager na si G. Dexter Flores ang mga paksang nangangailangan ng aprubal ng asembleya. Kasunod ay binigyang Pasasalamat ang mga opisyal na nagtapos ng termino at inanunsyo ni Gng. Marlyn Aldave, Election Committee Chairperson ang mga pangalan ng mga nanalong opisyal.

     Nagbigay din ng dagdag-saya ang mga regalo ng Collins na Pureit Water units at Juice packs mula sa PBSP na pinaraffle sa mga nagsidalo.

     Maraming, maraming Salamat po sa lahat ng dumalo, nakisaya, nakibahagi, at mga naghanda para maging #GALING ang ating 2023 Representative Assembly.

     5G sa 2023!

     Gawang Atin | Go Green | Gana | Gaan | Galing