GOBRINGME MOA Signing

 Aug-01-2022

     Matagumpay na naidaos ang MOA Signing sa pagitan ng ating K-Coop at ng GoBringMe (MIRO FOODS OPC) na ginanap kahapon ika-13 ng Hunyo 2022. 
     Ang GoBringMe ay isang logistic service mobile app, isang online platform kung saan ang mga miyembro ng K-Coop ay maaaring makapagtinda ng kanilang produkto at serbisyo sa kanilang customers via pickup o delivery ng ating mga K-Coop member-riders. Kasalukuyan itong pina-pilot sa Tungko Satellite Office at maaaring gamitin ng mga taga Quezon City, Caloocan at San Jose Del Monte Bulacan.      Ang mga lumagda sa nasabing MOA ay sina Chairperson Martiniana Mancio, General Manager Dexter Flores para sa K-Coop at si G. Romeo Santos Jr at Gng. Evic Santos para sa MIRO FOODS OPC.      Kasama din sa dumalo sina AGM-Operations Angeline Bataller, Cooperative Affairs Manager Hazel Del Bando, BDS Manager Camille Valasco at mga managers sa Tungko na sina CM Anthony Serrano at SOM Nickolone Villanueva.
    Bahagi ito ng ating Business Development Services at pagpapalakas ng Digitalization. Kung kasama kayo sa mga lugar na aming nabanggit sa pilot---makiisa at makibahagi na! Tuloy-tuloy ang ating pagbibigay ng serbisyong may sinop at sigla!
    Level up sa negosyo ni Nanay, dagdag kita pa sa mga riders.