2021 OnBoarding “Paghahanda sa Pamunuan”

 Jun-11-2021

     Pagkatapos ng eleksyon ng mga opisyal kasunod nito ay ang ONBOARDING. Ito ay isang taunang aktibidad para sa mga Board of Directors, Committee Members, at Satellite Office Coordinators kung saan sila’y magkakakilanlan at matututo ng mga mahalagang impormasyon patungkol sa K-Coop. Bahagi din ng onboarding ang isang leadership session para sa mga nagsidalo. Ilan sa mga lugar na pinagganapan ng mga nagdaang onboarding bago ang pandemya ay ang Alitagtag Nature Retreat sa Batangas, Bentania Retreat House sa Baguio, at sa Estancia de Lorenzo sa San Mateo Rizal. Ngayong taon, hindi dahilan ang kasalukuyang sitwasyon para hindi matuloy ang onboarding. Sa kauna-unahang pagkakataon, katulad ng Representative Assembly ito ay isinagawa online via Zoom video conference. Ito ay ginanap noong ika-30 ng Abril at ika-4 ng Hunyo 2021.

     Ang Onboarding o “Paghahanda sa Pamunuan” ngayong taon bagamat online ay siksik pa din sa kaalaman, at siyempre kasiyahan. Pinaunlakan tayo ni Gng. Malou Cabuntas ng PFCCO-NCR ng pagbati, mensahe at napapanahong datos at impormasyon patungkol sa mga kooperatiba. Nagbigay din ng pagbati, mensahe at mga paalala para sa pamunuan ang CDA-NCR Regional Director na si G. Pedro Defensor Jr. Pagkatapos ay sinundan ito ng pagbabahagi ng Kasaysayan ng K-Coop at ang 2021 THRUST and Plans na pinaliwanag ni Assistant General Manager (AGM) Dexter Flores at General Manager (GM) Me-an Ignacio. Sa hapon naman ay pinaliwanag ni Cooperatives Affairs Manager (CAM) Hazel Pamela Del Bando ang Batayang Batas ng Kooperatiba at ang mga Legal na Dokumento ng K-Coop at ang mga gampanin ng Board at mga miyembro ng Komite ayon sa Articles of Cooperation at By-Laws.

     Para sa ikalawang bahagi ng ONBOARDING, nagbigay ng Servant Leadership Session ang Emmaus Center for Psycho-Spiritual Formation and Accompaniment kung saan tinukoy, pinalalim, at pinayabong ang Tatak-K values ng Kasagana-ka sa bawat isa.

     Mula sa pamilya ng K-Coop, Congratulations sa mga bagong Board of Directors, Committee members, at Satellite Office Coordinators para sa taong 2021-2022. Padayon Kooperatiba!