4th Annual Representative Assembly
Mar-27-2021March 16, 2020 nang ipatupad ng pamahalaan ang Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19 virus sa ating bansa. Kaakibat nito ang pagpapatigil at pagbawal sa pagdaos ng mga malaking pagtitipon dahil isa ito sa nakakapagpabilis ng pagkalat ng virus. Bilang pagsunod at pag-iingat, agad na nagdeklara ang ating tanggapan ng pagpapaliban (postponement) ng pagdaraos ng ating 3rd Representative Assembly na dapat sanang gaganapin noong ika-28 ng Marso 2021 sa SM Skydome na dadaluhan ng humigit-kumulang 300 na miyembro at empleyado.
Matapos ang isang taon, may pandemya pa ding kinakaharap ang mundo, at tulad ng ibang organisasyon na nagsusumikap na manatiling buhay sa gitna ng krisis, tinanggap natin ang tinatawag na “New Normal”. Kasabay nito, ang CDA—ang ahensya na sumasaklaw sa mga kooperatiba sa bansa ay naglabas ng memorandum circulars kaugnay ng pagdaos ng mga Asembleya at Eleksyon ng mga opisyal. Ang mga kooperatiba ay binigyan ng giya kung sakaling nais nilang ipagpaliban o ipagpatuloy ang asembleya para sa taong 2021. At alinman ang piliin ng kooperatiba, may malinaw na panuntunan na inilabas ang nasabing ahensya.
Nagdesisyon ang Lupon ng mga Tagapamahala (Board of Directors) ng K-Coop na ipagpatuloy ang ika-apat na Asembleya ng mga Kinatawan (Representative Assembly) at gaganapin ito via video-conferencing. Nagplano at naghanda tayo kasabay ng pagsasaalang-alang sa mga panuntunan ng CDA. March 27, 2020 nang ginanap ang K-Coop 4th Annual Representative Assembly sa pamamagitan ng Zoom video-conferencing. Sumunod tayo sa tinukoy ng pamahalaan na porsyento ng bilang ng maaring nasa iisang lugar, safety protocols, at nagtalaga din ng mga magsisiguro na ito ay nasusunod sa Satellite Office at sa Head Office. Bumuo din ng Technical Team na masinsing magpapatakbo ng buong programa katuwang ang mga Managers na nasa mga Satellite Offices na siya namang magsisiguro na napapanood at nadidinig ng malinaw ng mga kinatawan ang programa kahit virtual ito. Ito rin ay naka-livestream sa facebook page ng K-Coop (Insert link). Ang nagpadaloy ng Asembleya ay ang Chairperson ng K-Coop na si Gng. Martiniana G. Mancio, nag-ulat ng mga naisagawa ng taong 2020 si Assistant General Manager Dexter Flores, at ang mga plano at thrust para sa taong 2021 ay tinalakay naman ni General Manager Maria Anna de Rosas-Ignacio. Dumalo din ang General Manager ng PFCCO-NCR na si G. Eduardo Bato upang magbigay ng mensahe ng federation kung saan tayo ay miyembro.
Nasubok din ang paggamit ng K-Coop Online Electronic Voting System, isang system na binuo ng ating MIS (Management Information Services) unit na unang ginamit ng 348 na kinatawan noong 2019 2nd Representative Assembly sa SM Skydome. Nakabantay din ang Election Committee pati ang Audit Committee kasama ng IAS unit (Internal Audit Services) sa pagsisiguro na maayos at matiwasay ang daloy ng eleksyon mula sa mga SATO hanggang sa consolidation ng mga boto sa Head Office.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinapahatid sa lahat ng nag-organisa at nakilahok. Sa pagtutulungan at pagkakaisa, sa kabila man ng kinakaharap na mga pangamba na dulot ng pandemya at hamon na hatid ng pagsasagawa ng online events matagumpay nating naidaos ang K-Coop 4th Annual Representative Assembly.