BoD and Coordinators YEP 2019

 Jan-02-2020

     Muling nagsama-sama sa isang masayang selebrasyon ang Board of Directors at Satellite Office Coordinators ng K-COOP kasama ng Steering Committee bilang paggunita ng kapaskuhan at ipagdiwang ang mga tagumpay ng nagdaang taon.

     Naging aktibo, nakisama, at nakisaya, ang lahat sa mga palaro na inihanda. Dahil panahon ng pagbibigayan, nagkaroon din ng pagpapalitan ang bawat isa ng regalo.

     Matapos ang mga kasiyahan, nagsalo-salo ang lahat habang tumutugtog ang Elite Force Band. Hindi lamang nabusog sa pagkain ang mga dumalo, kundi nabusog rin sa kwentuhan, kantahan, sayawan at tawanan sa muling pagsasama-sama.