Pagbisita ng mga Estudyante mula sa Chuo University, Japan

 Aug-30-2019

     Tayo ay binisita ng mga estudyante ng Chuo University mula sa bansang Japan. Ang grupo ay binubuo ng mga mag-aaral ng Microfinance at ng kanilang propesor. Isa ang K-Coop sa napili ng grupo upang mas lumalim pa ang kanilang pag-unawa sa stratehiyang Microfinance.

     Nagtungo ang grupo sa Satellite Offices ng Montalban at RHS. Sila ay sumama rin sa mga sentro kasama ang mga Socio-Economic Officers, malugod silang nakinig at nakipagkwentuhan sa mga Nanay.

     Nung hapon ay nagtungo naman sila sa Head Office, doon ay nagkaroon ng bahaginan kasama ang ating mga kinatawan at isang miyembro mula sa Satellite Office ng Lagro, na si Jhonnie Quebada isa sa pinakabatang miyembro ng KCoop.

     Isa rin sa mga dumalo sa pulong ay ang mga kinatawan mula sa Childhope Philippines Foundation, Inc. (Tag ChildHope kung pwede) Ang Child Hope ay isang organisasyon na naglalayon na magbigay ng pagkakataon sa mga batang nasa lansangan at kanilang pamilya na magkaroon ng mabuti at maayos na hinaharap sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa pag-aaral at pag-unlad sa iba't-ibang aspeto ng kanilang buhay.

     Ang pagbisitang nabanggit ay ginanap noong ika-08 ng Agosto taong kasalukuyan.

     Nasiyahan ang ating mga bisita sa ating pagtanggap at sila ay umuwi na punong-puno ng kaalaman.